ANG ALAMAT NG PINYA
ANG ALAMAT NG PINYA
Bakit nga ba napakaraming mata ng pinya? At bakit "PINYA" ang tawag sa prutas na maraming mata?
Noong unang panahon sa isang malayong nayon ay may naninirahang mag-ina, sina Aling Marya at ang kaaisa-isa niyang anak na si Pina. Palibhasa nag-iisang anak, si Pina ay hindi pinapagawa ng ina at sa halip siya ang gumagawa ng lahat ng gawaing bahay. Ang katwiran ni Aling Marya ay "Maliit at bata pa naman si Pina, matuto rin iyan". Kaya ang nakasanayang gawin lang ni Pina ay maglaro, maligo, magbihis at matulog. Ang anak ay lumaki sa layaw dahil na rin sa inang si Aling Marya. Noong dalagita na si Pina ay gusto na sana ni Aling Marya na turuan ang anak ng mga gawaing bahay, ngunit naging ugali na ni Pina ang katamaran. Kaya sa malimit na pangyayari, hindi na mautusan ng ina ang anak, palibhasa'y ina kaya matiisin. Kung ayaw magtrabaho ng anak, siya na ang gumagawa. Hanggang isang araw si Aling Marya ay nagkasakit ng malubha at palagi na lang nakahiga.
Pina : Naku! Bakit ka nagkasakit nanay?
Aling Marya : Ewan ko nga ba. Anak, puede bang ipaglugaw mo ang nanay?
-Sumunod naman ang anak sa utos ng ina. Naglugaw si Pina subalit dahil sa walang alam sa gawaing bahay ang nilutong lugaw ay nasunog. Pero masaya pa rin si Aling Marya kahit medyo mapait ang lugaw na kinain dahil kahit papaano ay napagsilbihan siya ng anak.
Tumagal ang sakit ni Aling Marya at si Pina ay nagrereklamo na sapagkat pagod na raw sa pagsisilbi sa nanay niya. Isang umaga, si Pina ay nagluto ng almusal at maghahain na lamang ito ngunit hindi makita ang sandok.
Pina : Saan kaya naroroon ang sandok? Saan ba iyon nakalagay?
Aling Marya : Hanapin mo, naririyan lamang yan.
Pina : Kanina pa nga ako hanap ng hanap pero hindi ko nga makita.
Aling Marya : Ito talagang anak ko, walang katiyaga-tiyaga. Bakit ba hindi ka na lang magkaroon ng maraming mata para makita mo ang hinahanap mo!
Pina : Marami pa naman kayong sinasabi eh, nagsesermon pa kayo!
- Pagkasagot sa ina ay sabay panaog si Pina. Siguro ay hahanapin niya ang sandok sa silong at baka nahulog.
Lumipas ang maghapon, gumabi, at nag-umaga ngunit hindi na nakabalik si Pina sa itaas. Naglaho siya na parang bula, maging ang mga kapitbahay nila ay tumulong kay Aling Marya sa paghahanap pero talagang hindi na nakita si Pina. Ilang araw ang nakaraan sa tulong ng mababait na mga kapitbahay ay gumaling na si Aling Marya. Hinanap pa rin ng ina ang anak ngunit talagang hindi na niya ito nakita. Isang araw habang nagwawalis sa bakuran si Aling Marya, ay nagulat ito ng makita ang umusbong na halaman sa malapit sa kanilang tarangkahan. Dinilig ni Aling Marya ang halaman at inalagaan araw-araw. Di nagtagal at nagkaroon ng bunga ang halaman. Napansin ni Aling Marya na ang bunga ay tila hugis ulo na maraming mata. Naalala niya ang huling sinabi sa anak bago ito nawala, "Bakit ba hindi ka na lang magkaroon ng maraming mata para makita mo ang hinahanap mo!".
"Si Pina nya!" ang sabi ng mga kapitbahay ng makita nila ang prutas na maraming mata habang itinuturo nila si Aling Marya.
Mula noon tuwing makikita ng mga tao ang prutas na maraming mata ay tinatawag nila itong si Pina nya. Nang lumaon ay naging Pinya na lamang ang naging tawag dito.

Labels: alamat ng pinya

0 Comments:
Post a Comment
<< Home